Explore Westonci.ca, the premier Q&A site that helps you find precise answers to your questions, no matter the topic. Our platform offers a seamless experience for finding reliable answers from a network of experienced professionals. Get detailed and accurate answers to your questions from a dedicated community of experts on our Q&A platform.

Ano-ano ang katangiang pisikal ng bansa? Magbigay ng halimbawa 'at ilarawan ito Intratutulong sa paglago ng turismo ang katangiang pisikal ng​

Sagot :

Answer:

Katangiang Pisikal ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang bansang kapuluan sa Timog-Silangang Asya, at ang lawak nito ay 300,000 kilometro kwadrado. May mahigit 7,600 na isla ang bansang ito, at ang populasyon ay mahigit 100 milyon. Ang mga pulo ng Pilipinas ay nahahati sa tatlong pangkat – Luzon (na siyang pinakamalaking isla), ang kapuluan ng Visayas, at Mindanao. Ang kabisera ng Pilipinas ay Maynila.

Explanation:

Nabuo ang Pilipinas dahil sa banggaan ng Philippine Sea Plate at Eurasian Plate, na nagresulta sa pag-angat ng mga pulo nito mula sa ilalim ng dagat. Dahil dito, tadtad ng mga bundok at bulkan ang Pilipinas. Ayon sa pinakahuling tala ng PHIVOLCS, mayroong mahigit 300 na bulkan sa bansa, at 24 dito ang aktibo, kabilang na ang Mayon (na siyang pinaka-aktibong bulkan sa bansa), Taal, Pinatubo, Kanlaon, at Bulusan. Ang pinakamataas naman na bundok sa bansa ay ang Apo sa Mindanao, at ang pinakamahabang bulubundukin ay ang Sierra Madre na sumasangga sa mga bagyong tumatama sa Luzon. Ang Gitnang Luzon at Gitnang Mindanao ay puno din ng mga kapatagan kung saan itinatanim ng mga tao ang iba’t-ibang mga pananim.

Marami din ang anyong tubig sa bansa, kabilang na ang Laguna de Bay na siyang pinakamalaking lawa sa Pilipinas, ang Manila Bay kung saan matatagpuan ang isa sa pinakamagandang sunset sa buong mundo, ang Talon ng Maria Cristina na nagbibigay ng kuryente sa malaking bahagi ng Mindanao, at ang Cagayan River na siyang pinakamahabang ilog sa Pilipinas.

Mayaman din sa mga world-class beaches ang Pilipinas, kabilang na ang Boracay, Palawan, Cebu, at Siargao.

Thank you for visiting. Our goal is to provide the most accurate answers for all your informational needs. Come back soon. Thanks for stopping by. We strive to provide the best answers for all your questions. See you again soon. Thank you for choosing Westonci.ca as your information source. We look forward to your next visit.